IATF, inaprubahan ang pagdaraos ng Physician Licensure Examination sa Setyembre

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF- MEID) sa pulong nito kahapon ang pagpapatuloy sa Physician Licensure Examination.

Ang part 2 ng nasabing pagsusulit ay naka-schedule ‘tentatively’ sa September 20 at 21, 2020.

Ayon pa sa IATF, idaraos ang eksaminasyon alinsunod sa strict protocols na itatalaga ng Department of Health (DOH).


Samantala, inaprubahan din ng task force ang partisipasyon ng Pilipinas sa Gavi COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility, kaakibat ang pagbibigay ng pondo para rito.

Niratipikahan din ng IATF ang pagtatatag ng sub-Technical Working Group upang pag-aralan ang posibleng amendments sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11332, o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Pamumunuan ng DOH ang nasabing sub-Technical Working Group kasama ang member agencies na Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police at Metro Manila Development Authority.

Facebook Comments