IATF at Cebu provincial government, hindi pa rin magkasundo sa quarantine rules sa probinsya

Bigo pa rin ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Cebu provincial government na magkasundo sa quarantine protocols para sa mga returning Filipinos sa probinsya.

Sa special session ng provincial government kahapon, iginiit ni Cebu Governor Gwen Garcia na dapat sundin ang three-day hotel quarantine ng mga returning Filipinos na magnenegatibo sa swab test at ituloy ang kanilang quarantine sa bahay.

Paglilinaw ng gobernador, sakop lamang nito ang mga Cebuano habang ang patakaran ng IATF ay ipatutupad sa mga hindi taga-Cebu.


Nanindigan naman ang mga opisyal ng IATF na dapat sundin ang polisiya ng national government na 10-day hotel quarantine at four-day home quarantine.

Giit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay bilang pag-iingat sa harap ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.

Facebook Comments