IATF at Malacañang, hinimok na alisin na ang quarantine measures sa COVID-19 pandemic response.

Naniniwala si Marikina Rep. Stella Quimbo na kinakailangan ng recalibrated approach ang tutugon sa layuning pangkalusugan at pang-ekonomiya ngayong panahon ng pandemya.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Quimbo na hindi na dapat pagtalunan kung buhay o kabuhayan ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga patakaran.

Paliwanag ng kongresista, kailangan ng magkahalong mga patakaran katulad ng vaccination, granular lockdown, bakuna bubbles, business bubbles, ayuda, hospital referral system, sapat na bilang ng health care workers, at sapat na proteksyon at kompensasyon para sa health care workers para epektibong mapatigil ang pagkalat ng COVID.


Giit ng kongresista, dapat alisin na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Ehekutibo ang quarantine measures sa pandemic response dahil napatunayan nang hindi pwedeng umasa na lamang sa isang shotgun approach.

Paulit-ulit na lang ang nangyayari na maglo-lockdown tuwing tataas ang kaso ng COVID-19 pero wala namang nababago umano sa mga estratehiya.

Facebook Comments