IATF, bubuo ng vaccination policy para sa mga dayuhan sa Pilipinas

32

Nakatakdang bumalangkas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng bagong polisiya para sa vaccination ng mga dayuhang nananatili sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, importanteng mayroong patakaran hinggil sa pagpapabakuna ng lahat ng tao sa bansa para maprotektahan sila mula sa sakit.


Giit ni Roque na walang pinipiling lahi, kulay o kasarian ang coronavirus.

Matatandaang target ng pamahalaan na mabakunahan ng nasa 70 milyong Pilipino laban sa COVID-19 ngayong taon para makamit ang herd immunity.

Facebook Comments