Pabor ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ma-isapubliko ang listahan ng mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program.
Sinabi ni IATF Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na sa ngalan ng transparency ay wala silang nakikitang problema rito.
Sa ganitong paraan ay makikita mismo ng publiko kung talagang kasama sila sa dapat na makatanggap ng cash assistance para sa COVID-19, at hindi ang nagagamit lamang ang kanilang pangalan pero wala namang nakararating na tulong.
Ayon kay Nograles, handa ring isapubliko ng IATF ang lahat ng mga ginagastos o pinaglalaanan ng pondong nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act.
Sa katunayan, bahagi, aniya, ito ng report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Joint Congressional Oversight Committee.
Facebook Comments