Patuloy na tinututukan ng pamahalaang bayan ng Buldon ang paglaban sa Corona Virus Disease, sa layuning maging ligtas ang kanilang mga kababayan at mapanatiling Covid Free pa rin ang bayan.
Kahapon, pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao, bilang Chairman rin ng Inter Agency Task Force ng Buldon ang isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting matapos ngang maglabas ng Executive Order # 05-015-2020 ang Maguindanao Government kasabay ng implementasyon ng Modefied General Community Quarantine.
Kasama sa MPOC si Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan, 5th MBLT Commanding Officer Lt. Col. Tino Maslan, kasama ang iba pang myembro ng IATF.
Kabilang sa napag-usapan ay ang mga inisyatiba sa mga uuwing Returning Overseas Filipinos (ROF) and Locally Stranded Individuals (LSI) sa Buldon habang tinukoy na rin ang mga magiging myembro ng Contact Tracer sa bayan.
Kaugnay nito, bagaman hindi pa tapos ang paglaban sa COVID 19, pinasalamatan ni Mayor Manalao ang mga bumubuo ng IATF Buldon , mga frontliner lalo na ang mga residente dahil sa patuloy na pakikiisa sa mga adbokasiya ng LGU para gawing ligtas ang buong munisipyo sa halos 3 buwan ng pakikipaglaban sa corona virus.
IATF Buldon mas pinalakas pa ang paglaban sa COVID -19
Facebook Comments