IATF, dapat buwagin o palitan ang mga miyembro

Labis-labis na ang pagpuna ni Senator Imee Marcos sa Inter-Agency Task Force o IATF dahil sa pagiging ‘utak lockdown’ nito at pagpapatupad ng mga nakakapikon at wala sa katwiran na mga patakaran.

Dahil dito ay iminungkahi ni Marcos na buwagin na ang IATF o kaya ay palitan ng public health experts at immunologists.

Dismayado si Marcos na makalipas ang mahigit isang taon ay back to square one na naman ang Pilipinas at iniiba-iba pa ang uri ng lockdown na nagdudulot lang ng kalituhan sa publiko.


Giit ni Marcos, ang dapat gawin para epektibong matugunan ang lumolobong nahahawaan ng virus ay puspusang pagsasagawa ng COVID-19 mass testing at contact tracing at ang pinaka-importante ay pagtuturok ng bakuna.

Sa impormasyon ni Senator Marcos, maging ang ilang miyembro ng gabinete ay dismayado rin sa mga rekomendasyon na ipinatutupad ng IATF kaugnay ng COVID response ng gobyerno.

Nabatid ito ni Marcos, matapos mabunyag ang nilulutong plano na huwag payagan ang ilang kompanya na makabili ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments