IATF, dapat magkaroon ng miyembro na ordinaryong maybahay

Hinimok ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na seryosong ikonsidera ang pagtatalaga ng isang ordinaryong maybahay sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para suriin ang epekto ng COVID-19 sa mga kababaihan.

Paliwanag pa ni Marcos, ang bagong paraan ng “blended education” ay kapwa matinding hamon sa mga sistema sa eskwelahan at mga pamilya kung saan isang nanay ang sentro o pumapagitna sa lahat ng ito.

Sa tingin ni Marcos, kulang ng mga kababaihan sa IATF kaya kawawa si Education Secretary Leonor Briones na tambak ang trabaho dahil sa makabagong paraan ng pagtuturo habang hirap din si Secretary Berna Romulo-Puyat dahil hindi maka-agapay ang sektor ng turismo.


Dagdag pa ni Marcos, mas napaigting ng pandemya ang tagong diskriminasyon sa mga babae at sa kawalan ng mga panuntunan para makatulong sa kanila.

Giit ni Marcos, ang isang ina sa IATF ay mas magiging abala sa mga opisyal na ulat na may kaugnayan sa mga kababaihan tulad ng mga karahasan sa mga kababaihan at kabataan.

Facebook Comments