IATF, dapat nang buwagin, ayon sa isang senador

Dapat nang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ipaubaya na lamang sa Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ito ang iginiit ni Senator Francis Tolentino matapos na maging matagumpay naman ang vaccination rollout ng pamahalaan sa ilalim ng bawat Local Government Units (LGU).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Tolentino na mas malaki ang papel ng LGU sa pagbabakuna at mas alam nila ang mga nangyayari sa kanilang mga lugar na nasasakupan.


Ipinunto pa ng senador na panahon na para bumalik tayo sa normal at bigyang kalayaan ang LGUs na gumawa ng sarili nilang mga polisiya.

Facebook Comments