IATF, dapat nang palitan ng mga namumuno ayon sa isang senador

Iminungkahi ng isang senador na magkaroon ng pagpapalit sa mga namumuno sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, kailangan sa IATF ang mga competent na opisyal at hindi pinamumunuan ng mga dating militar.

Paglilinaw pa ni Pangilinan, competent naman ang ilang opisyal kagaya ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. pero hindi magiging epektibo ang kaniyang pamamalakad kung mayroong iba na hindi maayos.


Ipinunto ng senador ang walang maayos na koordinasyon pagdating sa contact tracing at testing na malaking bagay sana para maiwasan na ang mga pagpapatupad muli ng mas mahigpit na quarantine measures sa hinaharap.

Facebook Comments