Binigyan pa ng palugit ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hanggang Marso 21 ang mga media company na kukuha ng Accreditation ID’S sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay para masigurong magkakaroon ng sapat na panahon ang mga media companies na makakuha ng ID para sa kanilang mga empleyado.
Sakali naman aniyang matapos na ang palugit ay hindi na papayagan ang mga miyembro ng media na hindi nakakuha ng Accreditation ID na mag-cover sa buong luzon.
Sisitahin na rin ng mga otoridad sa checkpoint ang mga miyembro ng media na walang maipapakita na nasabing ID.
Matatandaang sa ilalim ng ipinatupad na ‘enhanced community quarantine’ sa buong Luzon ay hindi basta-basta pinapayagan ang sinuman na lumabas sa kanilang tahanan kung hindi naman kinakailangan.