Handa ang government pandemic task force na magbigay ng payo sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa pagsasagawa ng face-to-face campaigning sa nalalapit na eleksyon.
Pero nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi nila pangungunahan o panghihimasukan ang desisyon ng poll body.
Aniya, iginagalang nila ang pagiging independent constitutional body ng Comelec.
“Hindi kami puwedeng mangialam kasi Comelec ‘yan but again whatever advice or help Comelec needs I’m sure anyone from the IATF or the departments comprising the IATF are willing to give our advice if sought by the Comelec,” sabi ni Nograles.
Matatandaang pinalutang ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang proposal na ipagbawal ang face-to-face campaigns sa bansa dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic at sa halip ay isulong ang online campaigning.