IATF, handang magpatupad ng mas mataas na Alert Level kung tataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

Handa ang Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad muli ng mas mataas na Alert Level sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kung magpapabaya ang publiko na magreresulta ng pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi dapat magpakampante ang lahat kung lumuwag na ang restriksyon dahil nananatili pa rin ang virus.


Pinayuhan naman ng kalihim ang publiko na maging responsable at ugaliing nasusunod ang health protocols at pag-obserba sa social distancing kahit marami na ang pinapayagang lumabas ng tahanan.

Maliban sa Metro Manila, inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang mga Police Regional Offices (PRO) na paghandaan ang pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa.

Sa ilalim kasi ng pagluluwag ng alituntunin ay inaasahan ang mas maraming tao sa lansangan.

Pinayuhan naman ni Eleazar ang buong hanay ng PNP na maging malinaw sa mga alituntunin sa iba’t ibang alert level, para sa maayos na pagpapatupad nito sa kani-kanilang mga lokalidad.

Facebook Comments