IATF: Higit 80% ng cash assistance, naipamahagi na

Iniulat ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na umaabot na 80% ang naipapamahaging pondo para sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Sa virtual presscon ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, as of April 15, 2020, umaabot na sa 1,228 Local Government Units (LGUs) ang napagkalooban ng ₱65 billion pondo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Nasa kabuuang 236,331 low income non-4Ps families na rin ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.


Dagdag pa nito nakapagbigay tulong din, aniya, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 14,096 clients para sa COVID-19-related concerns tulad ng requests for medical/burial assistance na umaabot sa ₱67,530,340.48 sa pamamagitan ng kanilang Regular Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Panghuli nakapag bigay na rin, aniya, ang DSWD ng 400,201 family food packs sa iba’t ibang LGUs sa ibat ibang rehiyon na umaabot ang kabuuang halaga sa ₱156,116,899.49.

Facebook Comments