IATF, hindi dapat buwagin sa gitna ng laban kontra COVID-19

Kinontra nina Senators Sonny Angara at Sherwin Gatchalian ang mga mungkahi na buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang nangunguna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Para kay Gatchalian, sa harap ng lomolobong kaso ng COVID-19 sa bansa mas mainam na maglatag ang IATF ng bagong approach at estratehiya para labanan ang bagong variant ng virus na sanhi ng mabilis na pagkalat ng infection.

Suhestiyon pa ni Gatchalian, paigtingin ng IATF ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagkontrol ng pagkalat ng virus sa local level.


Iginiit naman ni Senator Angara na sa halip buwagin ay makabubuting magdagdag ng statisticians at data analysts sa IATF.

Sabi ni Angara, paraan ito para madaling matukoy ang mga lugar na potensyal na tumaas ang kaso ng COVID-19 upang magawa agad ang nararapat na aksyon para mapigilan itong lumalala at humantong sa krisis.

Facebook Comments