Wala pang plano sa ngayon ang mga adviser ng Inter-Agency Task Force (IATF) na irekomenda ang muling pagsasara ng mga mall sa Metro Manila matapos ang pagdagsa ng mga tao nitong Sabado sa unang araw ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (EQC).
Sa isang news forum, inamin ni Dr. Ted Herbosa, isa sa mga adviser ni Chief Implementor Sec. Carlito Galvez Jr. na hindi nila inasahan na dadagdsa ang malaking volume ng mga tao sa malls sa Metro Manila.
Gayunman, naniniwala si Dr. Herbosa na masyado pang maaga para agad na desisyunan kung muling sususpendihin ang operasyon ng malls.
Sinabi ni Dr. Herbosa na may parameters pa na kailangang ikunsidera bago sila makapag-rekomenda sa Task Force na isara muli ang malls.
Gayunman, kung magpapatuloy na malalabag ang tamang physical distancing sa pagdagsa ng mga tao sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ, posibleng pag-aralan muli ang pagsasara sa shopping malls.