IATF, hinikayat ng ilang kongresista na alisin na sa requirement sa pagbiyahe ang pagkuha ng travel pass

Hihinimok ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Castelo ang Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin na ang requirement na pagkuha ng travel pass sa Philippine National Police (PNP) para sa mga bumabiyahe sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng community quarantine.

Giit ni Castelo, ang medical certificate o health pass na ini-isyu ng Department of Health (DOH) ay sapat na para mapatunayan na ang isang indibidwal ay malusog at negatibo sa COVID-19.

Paliwanag ng lady solon, wala namang mabigat na patunay na ang travel pass ay may kinalaman sa lagay ng kalusugan ng isang tao bagkus ay nakadaragdag lamang ito sa anxiety at stress lalo na sa mga OFWs at mga Locally Stranded Individuals (LSIs).


Sinabi pa nito na makakabawas sa alalahanin ng mga OFWs at LSIs ang pagre-require sa mga ito na mag-secure ng police travel pass at mas magiging mabilis din ang proseso ng mga permit na kakailanganin sa pagbiyahe.

Ikinaalarma pa ni Castelo ang mga ulat na nakarating sa kanyang tanggapan na nagagamit pa sa korapsyon ng mga tinawag niyang ‘very enterprising authorities’ ang pagkuha ng mga pasahero ng certificates at permits.

Facebook Comments