IATF, hinimok ang iba pang lokal na pamahalaan na limitahan na rin ang galaw ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19

151

Hinimok ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iba pang lokal na pamahalaan na tularan ang ipanatupad na patakaran sa Metro Manila na limitahan ang galaw ng hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang naturang kautusan ay ipinatupad na rin sa CALABARZON at Central Luzon.

Nabatid din na nasa 28 milyong Pilipino pa ang hindi nababakunahan.


Tiniyak naman ni Galvez na mayroong sapat na suplay na bakuna ang bansa ngunit nangangailangan pa rin ng 40 milyong doses ang bansa para sa pagbabakuna ng mga kabataan.

Facebook Comments