IATF, hinimok ang publiko na palakpakan at bigyang-pugay araw-araw ang mga Frontliners sa gitna ng laban kontra COVID-19

Kasabay ng paggunita sa araw ng kagitingan bukas, hinimok ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang publiko na magbigay-pugay sa lahat ng mga frontliners sa laban kontra COVID-19.

Ayon kay IATF Spokersperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi magsasawa ang pamahalaan na kilalanin ang kabayanihan ng mga frontliner.

Kaugnay nito, hinikayat ng IATF ang publiko na pumunta sa mga pintuan ng mga tahanan tuwing alas 4:00 ng hapon at sabay-sabay na pumalakpak bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa mga frontliner.


Maaari rin aniya itong gawin sa mas modernong paraan tulad ng pagkanta, pagsasayaw, pagpo-post ng larawan o video sa social media o sa pamamagitan ng tiktok.

Ang sabayang pagbibigay-pugay sa mga healthcare workers at iba pang frontliners ay gagawin simula bukas hanggang sa matapos ang Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments