Posibleng ianunsyo ngayong araw o bukas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iiral na Alert Level System sa bansa para sa susunod na taon.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ay magiging epektibo simula January 1-15, 2022.
Pero paliwanag ni Nograles, hindi magdadalawang-isip ang IATF na magtaas ng alert level sa ilang lugar sa bansa kahit hindi pa tapos ang 15 araw, basta’t nakitaan ng pagtaas ng kaso gayundin ng average daily attack rate, 2-week growth rate at ang hospital care utilization rate.
Kasunod nito, muling ipinaalala ng Palasyo sa mga Local Government Unit na nasa kamay nila ang desisyon sa pagsasailalim sa ilang lugar sa kanilang barangay sa granular lockdown lalo na kapag nagkaroon na ng clustering ng kaso.
Bahagi aniya ito ng preventive measure upang hindi na dumami pa ang mahawaan ng virus.