Isinama na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga munispalidad na maaaring ma-downgrade o maibaba sa Alert Level 1.
Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan, ilang criteria ang kanilang titignan para maipatupad ang Alert Level 1 sa isang lugar.
Kasama na rito ang mas mababa sa 50 percent na total bed utilization rate, 70 percent ng target population ang bakuando na at 80 percent ng mga senior citizen ang fully vaccinated sa lugar.
“Sinama ang municipalities sa maaaring ma-de-escalate sa Alert Level 1. Kaugnay nito, idinagdag ang low risk total bed utilization rate ng mga probinsiya o rehiyon bilang criterion sa component cities at sa mga municipalities.” ani Ablan
Sa ngayon, nasa 48 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Alert Level 1, kasama na ang Metro Manila.