IATF, inaatasan ang mga LGU na magbahay-bahay upang matukoy ang mga aktibong kaso ng COVID-19

Nais ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isa-isahin ng mga lokal na pamahalaan ang bawat bahay ng kanilang mga nasasakupan upang matunton ang mga active case ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mahalaga kasing matukoy ang mga aktibong kaso sa mga barangay lalo na sa mga lugar kung saan may mataas ang kaso.

Sinabi ni Roque na gagawin ito sa pamamagitan ng Coordinated Operations to Defeat the Epidemic o CODE Team Visits.


Layunin nito na matukoy kung sinu-sino ang mga residenteng may mga sintomas para agad silang ma-isolate at masalang sa RT-PCR test.

Dahil dito, kinakalampag ng Palasyo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang pakilusin ang mga Local Government Unit para sa CODE visits.

Giit ng kalihim, kailangang paramihin pa ang mga quarantine at isolation facilities sa pamamagitan ng Oplan Kalinga.

Facebook Comments