Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maipabilang sa mga itinuturing na healthcare workers ang mga researchers, workers, mga miyembro at iba pang staff ng Solidarity Trial Vaccines Team.
Ibig sabihin, papayagan ang interzonal at intrazonal travel ng mga ito, anuman ang community quarantine status ng kanilang pupuntahan.
Ang hakbang na ito ng IATF, ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ay alinsunod na rin sa partisipasyon ng Pilipinas sa World Health Organization Solidarity Trial para sa COVID-19 vaccines.
Sinabi ng kalihim na ang mga target participants at eligible patients na nakatira sa mga lugar na mapapasailalim sa granular lockdown ay papayagan ring makalabas ng kanilang tahanan para sa clinical trials.
Gayunpaman, hindi pa rin makakaalis sa mismong lugar na naka-granular lockdown ang mga ito.