Upang matiyak na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pamimigay ng cash aid sa mga mahihirap na pamilya sa kabila nang ipinatutupad ngayon na mas mahigpit na quarantine protocols sa mga lugar na sakop o nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sa IATF Resolution No. 65, inaatasan ng pamahalaan ang mga partner financial service providers ng DSWD na mag-operate in full capacity para mabilis na maiproseso ang SAP claims.
Sa pinakahuling ulat ng DSWD, 72.4% o 10.2 million mula sa kabuuang 14.1 million target beneficiaries ang nakatanggap na ng ikalawang tranche ng SAP.
Una nang sinabi ng ahensya na target nilang matapos ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP bago matapos ang buwan ng Agosto.