IATF, inaprubahan ang pagkakaroon ng Dietary Supplementation Program na nagbibigay ng cash at food assistance sa mga bata at nagdadalang tao

Sa katatapos lamang na pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inaprubahan nito ang pagkakaroon ng Dietary Supplementation Program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, layon ng programa na mabigyang solusyon ang gutom ngayon nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Pasok sa programa ang anim na buwan hanggang 23 buwang mga bata, at mga nutritionally at-risk pregnant women.


Sinabi ng kalihim na pagkakalooban ng cash assistance at food packs ang mga benepisyaryo.

Paliwanag ni Roque, patunay lamang ito na ginagampanan ng estado ang obligasyon nitong itaguyod ang kalusugan.

Facebook Comments