Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang time-based na pagbibilang ng COVID-19 recoveries.
Sa isang resolusyon, minamandato ng IATF ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para abisuhan ang mga Local Government Units (LGU) na ang pagbibilang para sa 14-day isolation ng mild at asymptomatic cases ay magsisimula sa petsa ng pagsisimula ng sakit o pagkolekta ng specimen.
Bukod dito, dapat ding maisumite sa Department of Health (DOH) ang accurate, complete, at timely report sa pamamagitan ng COVID-Kaya system, kabilang ang health status at estado ng mga pasyente sa kanilang discharge, pagrekober o pagkamatay sa lahat ng ospital, LGU at disease reporting units.
Ang guidelines ay inirekomenda ng DOH.