Kasunod ng puna ng hindi tamang pagsusuot ng ilang mga kababayan natin ng faceshield.
Inaatasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Department of Health, Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment na maglabas ng consolidated advisory sa publiko hinggil sa tamang pagsusuot ng faceshield otomatiko pagkalabas ng tahanan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ang isa sa mga napag-usapan sa ginanap na 89th meeting ng IATF kahapon.
Sinabi pa ni Roque, base kasi sa pag-aaral kapag pinagsama o sabay na isinuot ng tama ang face mask at faceshield ay aabot sa 99% ang magiging proteksyon natin mula sa COVID-19.
Kapansin-pansin kasi na ilan nating mga kababayan ay ginagawang headband o nakataas ang face shield habang nasa mall at nasa simbahan.