IATF, ipinag-utos ang pagre-structure ng NTF against COVID-19 upang mabuo ang COVID-19 Vaccine Cluster

Kasunod ng inaasahang pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa susunod na taon, ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na itatag ang COVID-19 Vaccine Cluster na siyang pamumunuan ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon sa IATF Resolution No. 83, ang COVID-19 Vaccine Cluster ay hiwalay pa sa response cluster.

Mayroon itong sariling executive committee members, advisory groups, different task groups na may kaniya-kaniyang roles and responsibilities.


Dahil sa pag-restructure ng NTF, binuwag na ang COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.

Samantala, bilang Vaccine Czar ilan sa mga tungkulin ni Secretary Galvez ay makipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya at technical working groups katuwang ang Department of Health (DOH) para sa pagkakaroon ng mabisa at ligtas na bakuna, kanya ring pamumunuan ang pagkuha ng Certificate of Product Registration sa Food and Drugs Administration (FDA).

Kabilang din sa tungkulin ni Galvez ang price negotiation, prioritization, financing, ang supply and logistics movement lalo na sa cold chain storage facilities na pag-iimbakan ng mga aangkating bakuna at distribution nito.

Pangangasiwaan din ni Galvez ang vaccine risk communication and social preparation at magsisilbing spokesperson hinggil sa vaccine matters.

Facebook Comments