IATF, ipinagpaliban ang pagpapatupad ng mandatory quarantine sa mga pasilidad ng mga mild at asymptomatic COVID-19 patients

Ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang desisyon nitong i-require ang mild at asymptomatic COVID-19 patients na sumailalim sa quarantine sa mga pasilidad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatalakayin ng IATF ang implementasyon nito kasama ang Local Government Units (LGUs).

Matatandaang nitong Hulyo, hinimok ng Malacañang ang mild at asymptomatic COVID-19 patients na boluntaryong magpa-quarantine sa isolation facilities.


Sinubukan din ng Palasyo na hikayatin ang mga pasyente na sumailalim sa quarantine dahil alok ng pamahalaan ang mahuhusay na pasilidad na tila parang isang “paid vacation.”

Facebook Comments