IATF, maglalabas ng resolusyon hinggil sa iiral na alert level system sa bansa

Kasalukuyang nagpupulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong hapon.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, agenda sa IATF meeting ang magiging susunod na Alert Level ng bansa.

Base sa pinakahuling IATF resolution, hanggang bukas o December 15 iiral ang Alert Level 2 sa buong bansa maliban na lamang sa Apayao na sakop ng Alert Level 3.


Agenda rin kung palalawigin ang pananatili sa red list ng ilang mga bansa sa mundo na mayroon nang kumpirmadong local transmission ng Omicron variant.

Ilan nga sa mga bansang ito ay ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, and Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, France, Italy at Portugal.

Facebook Comments