IATF, magpupulong bukas kung babawiin o palalawigin ang ECQ sa NCR+

Magpupulong bukas, April 10 ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para pag-usapan ang magiging quarantine classification sa Greater Manila Area.

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o “NCR Plus” bubble ay inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa mabilis na paglobo ng COVID-19 cases at pinalawig ito hanggang Linggo, April 11.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatalakayin sa IATF meeting kung palalawigin ang ECQ sa NCR+ o ibababa na ito sa modified ECQ.


Sa ilalim ng mahigpit na lockdown, ipinatutupad ang stay-at-home rule, pagbabawal sa mass gatherings at limitahan ang kapasidad ng mga negosyo at pampublikong transportasyon.

Matatandaang nagsagawa ng close-door meeting ang ilang Cabinet members kagabi pero hindi kasama sa video conference si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments