IATF, magpupulong ngayong araw para talakayin ang community quarantine

Magpupulong ang mga government official ngayong araw para pag-usapan kung pananatilihin o luluwagan ang quarantine measures simula June 16.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay ibabase sa doubling time ng mga kaso at critical care capacity.

Ang magiging desisyon ng IATF ay dadaan sa final approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kaugnay nito, magsasagawa ng meeting ang IATF kasama si Pangulong Duterte bukas sa Davao City.

Facebook Comments