IATF, may paglilinaw sa paggamit ng face shield

Nilinaw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang polisiya hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Sa huling inilabas na resolusyon ng IATF, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Nograles na bagaman voluntary na ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 hanggang 3, binibigyang diin sa resolusyon na pwede pa ring i-require ng mga employers at maging ng mga pribadong establisyimento sa kanilang mga kawani at mga parokyano ang paggamit nito.

Sa usapin naman ng on site capacity sa mga tanggapan ng gobyerno, ang mga nasa Alert Level 4 ay mayroon hanggang 40% minimum capacity.


Sa mga nasa Alert Level 3, 60% ang pinapayagang minimum capacity, habang ang nasa Alert Level 2 ay pinapayagan na ang sa 80% minimum capacity.

Facebook Comments