IATF meeting kasama si Pangulong Duterte, tuloy kahit wala si Sec. Año

Tuloy ngayong araw ang nakatakdang pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ang public address ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit wala si Department of the Interior and Local Government (DILG)Secretary Eduardo Año.

Nabatid na nagpositibo muli sa COVID-19 si Año.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga dadalo sa meeting kasama ang Pangulo ay nagnegatibo sa test.


Bahagi ng requirement sa Davao City na isailalim sa COVID-19 test 72 oras bago makapasok sa hometown ng Pangulong Duterte.

Nakatakdang i-anunsyo ni Pangulong Duterte ang quarantine classification sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na kasalukuyang nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang bukas, August 18, 2020.

Facebook Comments