IATF, naglatag ng mga kundisyon sa foreign nationals na papasok sa bansa

Inilatag ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang kondisyon sa pagpapahintulot sa mga dayuhang makapasok ng bansa.

Simula Lunes, February 1, kailangang makapagpakita ang mga arriving foreign nationals ng valid at existing visas sa kanilang pagpasok sa Pilipinas maliban na lamang ang mga pasok sa Balikbayan program na nasa ilalim ng Republic Act No. 6768 o the Act Instituting the Balikbayan Program.

Obligado rin ang foreign nationals na mag pre-booked accommodation ng hindi bababa sa pitong gabi sa accredited quarantine hotel or facility.


Sasalang din sila sa COVID-19 testing na gagawin sa quarantine hotel at gagawin sa ika-anim na araw ng kanyang arrival.

Samantala, sa kakapasok na balita, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang quarantine classification sa bansa simula February 1 hanngang 28.

Facebook Comments