IATF, nagpamahagi ng 600,000 na piraso ng face mask at hygiene kit sa mga mahihirap na pamilya sa Quezon City

61

Nagpamahagi ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng mahigit anim na daang libong piraso ng face mask at hygiene kits sa mahihirap na pamilya sa Quezon City.

Binisita ngayong araw ng mga miyembro ng IATF ang Barangay Obrero sa QC.


Pinangunahan mismo ni Health Secretary Francisco Duque III ang pamamahagi ng libreng face mask at hygiene kits sa mga mahihirap na pamilya sa Barangay Obrero, QC.

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalooban ng face mask at hygiene kits ang mga maralita sa bansa.

Kasabay nito, inilunsad ng IATF ang ika-anim na Bida ang may Disiplina campaign sa QC.

Facebook Comments