IATF, nagpresinta ng mga opsyon kay Pangulong Duterte kung paano tutulungan ang mga healthcare workers sa gitna ng deployment ban

Naglatag ng mga opsyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano tutugunan ang kalagayan ng mga healthcare worker lalo na ng mga nurse sa harap ng ipinatutupad na deployment ban.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hinihintay na lamang nila ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte hinggil sa apela ng mga health worker na bawiin ang deployment ban.

Nakalagay sa sulat ng IATF sa Office of the President ang mga benepisyo sa pagpapalawig o pagbawi ng deployment ban na idineklara nitong Abril para maiwasan ang labor shortage sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Dagdag pa ni Nograles, patuloy ang diskusyon ng IATF hinggil sa isyung ito.

Hinikayat ni Nograles ang mga health workers na walang trabaho na mag-apply sa pamahalaan lalo na at hiring ng medical frontliners sa Department of Health (DOH).

Ang pamahalaan ay mangangailangan ng karagdagang medical workers lalo na at nadadagdagan ang bilang ng isolation at quarantine facilities.

Facebook Comments