Mayroon nang rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na quarantine classification sa NCR plus at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bago siya umalis kanina para magsagawa ng press conference ay mayroon nang rekomendasyon ang IATF sa Pangulo.
Gayunman, si Pangulong Duterte na aniya ang bahalang mag-aanunsyo nito sa kaniyang Talk to the People mamayang gabi.
Sinabi ng kalihim ang mga lugar na sakop lamang ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang magkakaroon ng panibagong quarantine classification habang ang iba pang lugar sa bansa ay hanggang katapusan pa ng Mayo iiral ang kanilang quarantine classifiaction.
Maliban sa NCR plus, nasa ilalim din ng MECQ ang City of Santiago sa Isabela, Quirino Province sa Region 2, Abra sa Cordillera Administrative Region at Zamboanga.