IATF, NTF at education sector, pinakikilos na humingi ng bakuna sa mga mayayamang bansa para sa ligtas na pagbubukas ng klase

Inirekomenda ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa Inter-Agency Task Force (IATF), National Task Force (NTF) on COVID-19 at sa mga education agencies na humingi na ng tulong sa mga mayayamang bansa para makakuha ng bakuna at sa ligtas na pagbubukas ng klase.

“Most of the local business sector are small and medium sized. They have suffered much during the pandemic and community quarantines,” pahayag ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr.

Giit ni Garbin, hindi naman maaaring iasa lahat ng bakuna sa local business sector dahil ang mga ito ay nagdurusa rin sa epekto ng COVID-19.


“I appeal to the IATF, NTF, and the education agencies to reach out to Japan, South Korea, Australia, the European Union, Canada, and the United States,” sabi ni Rep. Garbin.

Sa suhestyon ng kongresista, maaaring lumapit ang IATF, NTF at sektor ng edukasyon sa mga bansang Japan, South Korea, Australia, the European Union, Canada, at Estados Unidos para makahingi ng suplay ng COVID-19 vaccines.

Kailangan na aniya ng tulong mula sa mga mayayamang bansa para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan mula kinder hanggang kolehiyo.

Tinatayang aabot sa 35 million na mga estudyante, guro, non-teaching personnel, school clinic staff, school canteens crews, at school buses/transport ang kinakailangang mabakunahan bago pa man pisikal na magbalik sa mga eskwelahan.

Umaasa naman si Garbin na ido-donate ng mga mayayamang bansa ang sobrang suplay ng COVID-19 vaccines upang hindi ito masayang lalo pa’t may maikli lamang na shelf-life ang bakuna.

Facebook Comments