IATF, pag-aaralan ang pinakahuling datos sa COVID-19 bago magdesisyon sa magiging alert level sa bansa

Pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pinakahuling data hinggil sa COVID-19 bago magdesisyon hinggil sa magiging alert level sa iba’t-ibang bahagi ng bansa pagsapit ng Marso.

Ayon kay Special Adviser ng National Task Force against COVID-19 Dr. Ted Herbosa, ibabase ng IATF ang magiging desisyon nila sa mga bagong metrics na itinakda bilang panukat sa sitwasyong ng COVID-19.

Aniya, kabilang dito ang metrics sa mga lugar na ilalagay sa low risk, moderate risk, at high risk.


Dagdag pa ni Herbosa kabilang sa mga bagong metrics na gagamitin sa pagdedesisyon ng bagong alert level status ay healthcare utilization rate, vaccination rate, at ang test positivity rate.

Samantala, nakatakda namang ianunsyo ng Malakanyang ngayong weekend ang magiging COVID-19 alert level status ng National Capital Region (NCR) simula Marso.

Facebook Comments