IATF, pag-aaralan kung papahintulutang itaas sa 50% capacity ang mga simbahan sa Ash Wednesday

Hinihintay pa ng Inter–Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang opisyal na request ng pamunuan ng Simbahang Katolika hinggil sa pagtaas ng capacity nito kaugnay ng nalalapit na Ash Wednesday.

Ayon kay Cabinet Sec Karlo Alexi Nograles, kapag naisumite na ito ng Simbahan ay agad pag-aaralan ng IATF kung pagbibigyan ang kanilang hirit.

Sa pagpapahid naman ng abo, sinabi ni Nograles na tulad nuong isang taon kung saan mayruon ng COVID-19 ay i-sprinkle o ibubudbod na lamang ang abo sa halip na ipahid sa noo upang walang close contact.


Una nang hiniling ng ilang opisyal ng simbahan na itaas sa 50% ang church capacity sa Ash Wednesday.

Sa ngayon ay nasa 30% capacity lamang ang mga simbahan at iba pang pook dalanginan na nasa ilalim ng GCQ.

Sa Myerkules, Feb 17, ipagdidiwang ng mga Katoliko ang Ash Wednesday.

Facebook Comments