IATF, pag-aaralan kung pwedeng isama sa priority list ng mga mababakunahan ang mga atletang kalahok sa Southeast Asian Games

Pagdidiskusyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, kung mayroong sobrang bakuna ay walang problema na maisasali ang mga kasama sa Southeast Asian Games.

Pero paliwanag nito, ang mga bakunang dadating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero na mula sa Covax Facility ay nakalaan para lamang sa mga medical health workers at vulnerable sectors.


Giit pa ni Galvez, may sapat na panahon pa naman ang mga atleta bago sumabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre kaya baka nabakunahan na sila bago pa man ang palaro.

Facebook Comments