IATF, pag-uusapan kung pwedeng hindi magsuot ng face mask ang magkakapamilya sa loob ng sasakyan

Tatalakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung papayagan ang mga miyembro ng pamilya na nasa iisang bahay na sumakay sa kanilang sasakyan kahit hindi nakasuot ng face masks.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng kalituhan ng publiko hinggil sa protocol sa pagsusuot ng face mask habang nasa loob ng sasakyan.

Ayon kay Nograles na siyang Chairperson ng IATF, hintayin na lamang ang magiging pag-uusap ng IATF hinggil dito.


Paliwanag niya na may ilang konsiderasyon bago payagan ang mga tao nakatira sa iisang bahay na sumakay ng kotse na walang suot na face mask.

“There’s a question about how do you enforce that. Baka kapag magkasitahan, sasabihin na lang, magpapalusot na ‘Hindi, kasama ko lahat ng mga ito sa bahay,” sabi ni Nograles.

Una nang nilinaw ni Nograles na hindi na kailangan ng driver na magsuot ng face mask kung siya lamang mag-isa sa loob ng sasakyan.

Facebook Comments