Iginiit ni Bayan Muna Partylist Representative Ferdinand Gaite na dapat noon pa binuwag ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Bunsod na rin ito ng mga panawagan nang marami na lusawin at palitan na ang mga bumubuo sa IATF dahil sa pagiging palpak sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Habang maaga pa sana ay napalitan na ang IATF ng mga ekspertong medikal at mga siyentista.
Magkagayunman, patuloy na nagmarunong ang mga miyembro ng IATF kaya naman hindi na siya nagtataka na humantong ang bansa sa lalong pagdami ng mga kaso.
Sinabi naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Eufemia Cullamat na noon pang nakaraang taon nila ipinapanawagan na hayaan ang mga health experts, siyentista at mga doktor sa pagtugon sa pandemya ngunit idinaan ng pamahalaan ang tugon sa militaristang paraan.
Dagdag pa ng kongresista, mistulang ibinabalik ang bansa sa sitwasyon noong March 2020 kaya naman nasayang lang at walang pinatunguhan ang mga sakripisyo ng mamamayan.