IATF, pinag-aaralan na ang rekumendasyon ng Metro Manila Mayors na muling i-extend ang ECQ sa NCR

Nagpapatuloy ngayon ang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) hinggil sa kung ano ang posibleng kahihinatnan ng Metro Manila pagsapit ng May 16, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ala una kaninang hapon nag-umpisa ang kanilang meeting sa IATF at ilan sa kanilang masusing pinag-aaralan ay ang rekumendasyon ng mayorya ng Metro Manila Mayors na palawiging muli ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR hanggang May 31, 2020.

Sinabi ni Roque, mamayang alas-5:00 ng hapon nila isusumite ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang sa resolusyon ng Metro Manila Mayors naniniwala silang dapat iisa lamang ang polisiya o susunding guidelines sa NCR dahil iisang rehiyon lamang ito.

Iginiit pa ng MMC, na hindi uubra ang pagsasailalim sa GCQ ng ilang syudad sa Metro Manila habang ang ilang syudad ay mananatili sa ECQ dahil sa pangambang muling dumami ang kaso ng COVID-19 lalo pa at wala panggamot o bakuna kontra Coronavirus disease.

Facebook Comments