Kasalukuyan pang pinag-uusapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at ilang mga piling sangay ng pamahalaan ang pagpayag na makabalik sa operasyon ang provincial buses ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ito ay makaraang ihirit ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, Inc. sa gobyerno na magbukas ng ibang ruta at pumayag sa muling pagbubukas ng kanilang terminal.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles may mga ilang usapin pa na kailangang plantsahin.
Sa oras aniya na makabuo ng pinal na desisyon ang IATF ay kanila itong isasapubliko.
Sa usaping transportasyon, nasa 70% na ang seating capacity dahilan para ihirit na rin ng Provincial Bus Associations na payagan na ulit silang makabalik operasyon.