IATF, pinaglalabas na ng guidelines at protocols para sa COVID-19 vaccine

Pinaglalabas na ng isang kongresista ng protocols at guidelines ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, ngayon pa lamang ay dapat mailatag na ng IATF sa publiko ang kinakailangang post-vaccination protocols at guidelines kasunod na rin ng pahayag ng gobyerno na magbibigay ng libreng bakuna sa oras na available na ito sa bansa.

Mahalaga aniya na mayroon nang komprehensibo at sistematikong action plan para maihanda ang publiko sa post-pandemic life.


Sa ganitong paraan ay batid na agad ng lahat ng sektor kung ano ang kanilang aasahan mula sa gobyerno at sa kanilang komunidad.

Inihalimbawa dito ni Ong na habang maaga ay dapat available na ang comprehensive at detailed database ng mga tatanggap ng bakuna at hindi iyong ihahanda lamang ito kung kailan andyan na ang COVID-19 vaccine.

Pinaghahanda rin ni Ong ang IATF ng sistema para sa madaling documentation at identification ng mga taong nabakunahan na tulad ng pag-iisyu ng QR Codes o barcodes na may centralized database upang hindi na maabala tulad sa pagbyahe na nangangailangan ng “proof of vaccination”.

Facebook Comments