IATF, pinagpupulungan ngayong araw kung dapat bang palawigin ang travel ban sa mga bansang nakitaan ng panibagong strain ng COVID-19

Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad na masama sa travel ban ang ilang mga bansa na nakitaan ng panibagong strain ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mamayang gabi ay regular na talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte at posibleng mabanggit niya ito.

Pero para kay Roque, ang mabisang panlaban para hindi makapasok sa bansa ang bago o lumang strain ng virus ay ang 14-day quarantine ay mask, hugas at iwas.


Sa ngayon ani Roque, nananatili ang desisyon na 2-week extension o hanggang January 14 ang travel ban sa lahat ng manggagaling sa United Kingdom (UK).

Mainam aniyang hintayin din ang developments dahil ang sinasabi ng Department of Health (DOH) ay habang walang community transmission ng bagong variants dito mula sa iba’t ibang mga bansa ay pupuwede namang ipatupad ang 14-day quarantine kahit na anuman ang maging resulta ng PCR test ng isang byahero.

Nabatid na maliban sa UK, nakitaan din ng bagong strain ng COVID-19 ang Singapore, Nigeria, Hong Kong at Sabah, Malaysia na malapit lamang sa Mindanao.

Facebook Comments