IATF, pinapayagan na ang grupo-grupong pagbisita sa mga sementeryo at memorial parks

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpunta at pagbisita sa yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo at memorial parks.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, limitado sa 10 katao kada grupo ang kanilang pinapayagang bumisita sa mga pantson.

Paliwanag ni Roque, kabilang ito sa mga natalakay nila sa pulong kahapon sa IATF at kasama din sa inamyendahang guidelines na inaprubahan ng task force sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kabilang ang Metro Manila.


Kasunod nito, ipinapaubaya na ng IATF sa management ng memorial parks kung ilang grupo na kinabibilangan ng 10 indibidwal ang kanilang papayagan sa loob ng sementeryo basta’t susunod lamang sa health safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.

Facebook Comments