IATF, pinapayagan na ang mga LGU sa pagbili ng rapid test kits

Maaari nang bumili ang mga Local Government Units (LGU) ng rapid test kits na magagamit nila sa pagsala sa mga taong may posibleng impeksyon ng COVID-19.

Ito ay matapos magbigay ng go-signal ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay rin ng basbas si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng rapid test kits.


Ang rapid test kits ay kayang tukuyin ang antibodies ng katawan na lumalaban sa virus, hindi tulad sa RT-PCR testing na nakaka-detect ng SARS-COV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Nitong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pinagbabawalan ang mga pampubliko at pribadong institusyon na bumili o gumamit ng rapid test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) basta nasusunod ang guidelines sa paggamit nito.

Facebook Comments